-- Advertisements --

Umabot na sa 79.80 m ang antas ng tubig sa La Mesa Dam ngayong 10:00 ng gabi at inaasahang patuloy pa itong tataas dulot ng tuloy-tuloy na katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. 

Ayon sa state weather bureau, aapaw ang sobrang tubig sa La Mesa Dam sakaling umabot sa 80.15 m ang lebel ng tubig sa dam. 

Sa sandaling mag-umapaw ito, posibleng tamaan ng tubig baha ang mga mabababang lugar sa kahabaan ng Ilog Tullahan.

Kabilang sa mga posibleng maapektuhang lugar ay ang:

  1. Valenzuela: Barangay Ligon, North Luzon Expressway, La Huerta Subdivision
  2. Quezon City: Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, San Bartolome
  3. Malabon

Pinayuhan naman ang lahat ng residente sa mga nabanggit na lugar, lalo na iyong malapit sa pampang ng ilog, na maging alerto at handa sa posibleng pagbaha.

Siniguro rin ng state weather bureau na patuloy nitong imo-monitor ang lagay ng La Mesa Dam at agad na magbibigay ng abiso sa mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan.