-- Advertisements --

Dahil sa kinasasangkutang anomalya sa procurement at ghost deliveries kaya sinibak sa pwesto ang hepe ng AFP Health Service Command at V Luna Medical Center.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana nadiskubri ang nangyaring korupsiyon batay sa isinagawang internal audit and investigation.

Itoy matapos nagsagawa din ng parallel investigation ang Philippine Anti Corruption Commission at dito natukoy ang mga ghost deliveries.

“First, the corruption was discovered by internal audit and investigation. The Phil Anti Corruption Commission also conducted parallel inquiry. It was determined that there were ghost deliveries. We expect that the morale of troops will be affected positively by this,” mensahe na ipinadala ni Sec Lorenzana.

Isasailalim sa court martial ang mga sangkot na opisyal at enlisted personnel.

Nalungkot naman si Lorenzana sa balita, na aniya ngayon pa nangyari kung saan kanilang tinatamasa ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa DND at AFP.

“We assure the public that the DND and AFP are sensitive to irregularities such as these and vow to continue safeguarding our institution against similar incidents in the future,” pahayag ni Lorenzana.

Sa kabilang dako, Una ng sinabi ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez na magpapatupad siya ng major revamp ng sa gayon matigil na ang korupsiyon.

Hiling ni Galvez sa Pang. Rodrigo Duterte na bigyan siya ng isang buwan para ayusin ang problema.

Tiniyak naman ni Galvez na mananagot ang mga opisyal na sangkot sa anomalya.

Aminado si chief of staff na siya ay nahiya sa pangulo kasunod ng lumabas na eskandalo dahil buhos ang suporta na ibinibigay ng pangulo sa AFP at may mga indibidwal pa rin sa kanilang organisasyon ang sangkot s korupsiyon.