-- Advertisements --

Hinimok ni Interior Secretary Eduardo Año ang militar na siguraduhing may ebidensiya ang kanilang paratang sa mga grupo at indibidwal na sangkot umano sa komunistang grupo.

Tinawag ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff na hindi patas ang red-tagging sa kung sinuman na walang sapat na ebidensya.

Aniya, ang pinakaepektibo raw na pamamaraan upang masolusyonan ang communist insurgency na isa sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sampahan sila ng kaso sa korte.

Nilinaw naman ni Año na ang “red baiting” na tinukoy ng Korte Suprema noong 2011 na siyang paglalagay ng label sa mga indibidwal o samahan bilang nakasandal sa kaliwang grupo, subersibo, komunista o terorista, ay hindi nagsimula sa puwersa ng gobyerno.

Sinabi nito na si Jose Maria Sision ang siyang unang nag-red tagged sa nasabing organisasyon habang nagbigay ng kaniyag pahayag sa isang international forum noong 2003.

Pinangalanan niya ang mga organisasyong ito kabilang ang ilang mga party-list groups.

Si Sison ang siyang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).