-- Advertisements --
Pumanaw na ang kasalukuyang Miss Austria na si Lucia Sisic sa edad na 22.
Kinumpirma ng Mission Austria ang organisasyon ng nasa likod ng Miss Austria pageant ang pagpanaw ni Sisic.
Ang 22-anyos kasi na beauty queen ay mayroong heart valve defect mula pa noong ito ay isilang.
Makailang ulit na itong sumailalim sa operasyon para gamutin ang kaniyang problema sa puso kung saan ang pinakahuli ay noong 2025.
Nagwagi ito bilang Miss Austria noong 2024 kung saan mula noon ay hindi pa ginaganap ang panibagong beauty pageant.










