-- Advertisements --

Patay ang tatlong bata sa naganap na sunog sa Barangay Additon Hills, sa lungsod ng Mandaluyong.

Nakita ng Bureau of Fire Protection (BFP) na magkatabi ang bangkay ng biktima na nasa edad dalawa at apat sa nasunog na bahay.

Habang ang isang bata naman ay naitakbo pa sa pagamutan subalit hindi na nito nakayanan ang sugat na kalaunan ay nasawi na rin.

Nangyari ang sunog nitong gabi ng Huwebes kung saan patuloy na inaalam ng BFP ang dahilan ng nasabing sunog.