-- Advertisements --

Muling inusisa ng private prosecutor na si Atty. Reynaldo Robles si Armed Forces of the Philippines (AFP) Col. Manaros Boransing II kaugnay ng inisyu nitong sertipikasyon na ginamit ng Department of Education (DepEd) sa Commission on Audit (COA).

Inihayag ni Robles na ipinalabas ang dokumento bilang certificate of attendance para sa mga nakilahok sa aktibidad ng militar, na kinumpirma naman ng opisyal.

Kasunod nito, deretsahang tinanong ng abogado ang testigo kung kailan nito nalamang ginamit ang naturang certification upang ilusot diumano sa COA ang P15.54 milyong confidential funds bilang pambayad sa rewards ng DepEd.

Mabilis namang tumutol ang defense lawyer na si Atty. Lindon Bacquel at sinabing walang basehan ang tanong, subalit iginiit ni Robles na bahagi ito ng mga opisyal na record ng kaso.