Nasa 90% na si world junior bantamweight champion Jerwin Ancajas halos isang buwan sa laban nito kay Ryuchi Funai ng Japan.

Jerwin Ancajas

Sinabi nito na bawat araw ay mayroong 12 sparrign sessions ang kanilang ginagawa.

Nais kasi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez na maging agresibo ang alaga.

Ayaw din nilang magaya ang nangyari kay Alejandro Santiago Barrios na nagtapos lamang ang laban sa split draw.

May limang sparring partner din itong kinuha para magkakaiba ang istilo na kanilang ipapakita.

Kasalukuyang nagsasanay si Ancajas sa Marine Base ng Philippine Navy sa Ternate, Cavite.