Jerwin Ancajas
Jerwin Ancajas/ FB image
-- Advertisements --

Itinuturing ni Filipino boxer Jerwin Ancajas na isang katuparan ng kaniyang pangarap ang makalaban si WBO junior bantamweight king Kazuto Ioka ng Japan.

Gaganapin ang nasabing laban ng dalawa sa Disyembre 31 sa bansang Japan.

Sinabi MP Promotions head Sean Gibbons na walang magiging problema kay Ancajas na lumaban sa Japan dahil ito ang matagal na niyang pangarap.

Ito na rin ang pang-10 beses na pagdepensa ni Ancajas sa kaniyang hawak na titulo.