Jerwin Ancajas 2
Jerwin Ancajas/ FB image
-- Advertisements --

Balak ng kampo ni Filipino boxer Jerwin Ancajas na magkaroon sila ng rematch ni Alejandro Santiago ng Mexcian.

Ito ay para matapos na ang pagdududa na dapat natalo si Ancajas sa una nilang paghaharap noong 2018.

Ayon sa trainer at manager nitong si Joven Jimenez, na bukas silang makaharap si Santiago dahil sa nasabing mga isyu na lumalabas.

Magugunitang sa nasabing laban ay nagresulta lamang ito sa split draw.

Matapos ang nasabing match ay magkasunod naman na nagwagi ito sa laban niya kay Ryuichi Funai ng Japan at Miguel Gonzales ng Chile.

-- Advertisement --

Nakatakda sanang labanan ng 28-anyos na si Ancajas si Jonathan Rodriguez ng Mexico noong Abril sa Las Vega subalit ito ay hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

Mayroong record itong 32 panalo, isang talo, 2 draw at 22 knockout wins.