ILOILO CITY – Kritikal ang isang anak matapos tinaga ng sarili nitong ama sa Brgy. Tabuan, Estancia, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Virgilio Oroteza, 23, habang ang suspek naman na ama nito ay si Marcos Oroteza, 67.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay SSgt. Ian Jover, imbestigador ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na magkasamang nag-inuman ang mag-ama.

Ayon kay Jover, bigla umanong nagkasagutan ang dalawa kung saan pinukpok ng biktima ang ulo ng kanyang ama gamit ang kaldero na may laman pang sinaing.

Kumuha ang ama ng kanyang itak at tinaga ang kanyang anak na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.

Kusa namang sumuko sa otoridad ang suspek na ama.