CAGAYAN DE ORO CITY-Hinamon ng taga simbahan ang Amerika sa ilalim ng pamumuno ni US Pres Donald Trump na ibunyag ang tutuong dahilan sa pagputol ni Pres Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement o VFA.

Itoy matapos na obserbahan na parang hindi man lang nagalit ang Estados Unidos sa naging pasya ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni Brod. Wilson Amad, vice pres ng Confraternity of the New Apologetics, napakaliit lamang ang pagtanggal ng travel visa sa malapit na kaibigan at ngayon Sen. Ronald Dela Rosa bilang basehan ni Pres Duterte upang tuluyang ibasura ang VFA.

Aniya, karapatan umano na malaman ng bawat Pilipino ang tunay na dahilan sa pagbuwag ng VFA.

Kapansin-pansin rin ang reaksyon ng pangulo ng Amerika na sa halip na magalit, tila naghayag pa ito na makakatipid pa ng pera ang kanilang bansa sa pag pahinto ng VFA.

-- Advertisement --