solana cagayan
-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Natuklasan ng mga pulis sa Solana, Cagayan na matagal nang ginagahasa ng isang ama na drug pusher at user ang kanyang 15-gulang na anak matapos na mapatay ito nang manlaban sa mga otoridad sa buy-bust operation.

Sinabi ni PCAPT. Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na matapos ang operasyon, sinabi ng kapitan ng Brgy. Iraga na nagsumbong ang 15 years old na anak na babae sa kanila at sinabi na matagal na siyang ginagahasa umano ng ama sa tuwing umaalis ang kanyang ina papuntang bukid.

Sa isinagawang operasyon, habang nagkakaabutan ng pera at marijuana sa pagitan ng suspek at posuer buyer ay biglang tumakbo ang suspek sa kusina ng kanilang bahay.

Nang pasukuin siya ay binaril niya ang isang pulis na hindi tinamaan at gumanti ang pulis at nagtamo ng dalawang gunshot wounds ang suspek sa kanyang dibdib na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kaugnay nito, sinabi ni Balisi na kabilang ang suspek high value target-priority list sa provincial level dahil may grupo umano ito na kasama sa kanyang iligal na gawain.

-- Advertisement --

Ayon kay Balisi, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang mga kasama ng napatay na suspek.