Fire incident
Fire Victim/ Bombo La Union Pics

LA UNION – Binawian rin ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang ama na nagtangkang magligtas sa anak na na-trap sa nasusunog na bahay sa bayan ng Aringay, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Aringay Police, hindi na nagawang mailigtas ng doktor sa ospital mula sa kamatayan si Jeffry Estoril dahil sa malubhang pagkakalapnos ng katawan nito.

Una rito, limang bahay na pawang mga yari sa light materials ang naabo sa nangyaring sunog at na-trap na naturang bata sa kanilang tirahan.

Tinangkang sunugin ng ama ang naglalagablab na apoy upang iligtas ang anak ngunit nabigo ito.

Patuloy pa rin na inaalam ng arson investigators ang sanhi sa nangyaring sunog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here