-- Advertisements --

Inihayag ng Malakanyang na nasa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat sakaling maimbitahan siyang magsilbi bilang anti-drug czar ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan na habang nasa kay Duterte ang desisyon, marami ang naniniwala na ang outgoing President ay inaabangan ang kanyang pagreretiro.

Nauna nang inihayag ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na bukas ito sa desisyon na gawing drug czar si Pangulong Duterte sa kaniyang administrasyon.

Ayon kay Marcos Jr., sinabihan siya ni Duterte na ipagpatuloy ang kanyang kontrobersyal na giyera laban sa ilegal na droga.