-- Advertisements --

Epektibo ngayong araw ay isinailalim na sa full alert status ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nalalapit na paggunita sa All Saints at All Souls Day sa darating na November 1 at 2.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, nasa 99,000 police personnel ang nakadeploy para tutukan ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa mga sementeryo sa buong bansa.

Siniguro pa ni Gamboa ang pagtatalaga ng mga police assistance desk sa mga sementeryo na binubuo ng mga emergency response team at mga pulis na magmamando sa traffic.

Makakatuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad ay ang mga force multipliers.

Samantala, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbitbit ng mga deadly weapons at ang pagbaon ng mga alak sa loob ng sementeryo.

Ipinauubaya na ni Gamboa sa mga regional police directors ang patuloy na pag-assess sa security situation sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon, walang natatanggap na anumang banta sa seguridad ang PNP para sa Araw ng mga Patay.

“It will be up for the regional directors concerned to assess but in general there is no terroristic threatsas of yet but the PNP is prepared for that,” ani Lt. Gen. Gamboa.

Nilinaw naman ng PNP-OIC na ngayong nasa full alert sila, kanselado muna ang mga “leave” ng pulisya.

Ire-recall na rin ang mga pulis na nakabakasyon at pinagre-report para mag-duty.