-- Advertisements --

Sasabak sa isang exhibition tournament si Pinay tennis star Alex Eala bago ang pagsisimula ng Australian Open.

Isa kasi ang World number 53 na Pinay tennis player sa apat na WTA player na inilista sa Kooyong Classic sa exclusive by-invite exhibition tournament sa Melbourne.

Itinuturing ni Ealana ang nasabing torneo ay bilang warm-up para sa mas malaking torneo na Australian Open.

Naging malaki ang kumpiyansa ni Eala dahil sa tagumpay niya sa katatapos na Auckland tennis tournament na ginanap sa New Zealand.