-- Advertisements --

Inilabas na ng Australian Open ang mga makakaharap ng mga manlalaro sa nasabing torneo.

Kabilang na dito si Pinay tennis star Alex Eala na nakatakdang makaharap nito sa first round ng torneo si Alycia Parks ng US.

Ito ang unang pagtatagpo ni Pinay ranked 49 na si Eala laban kay WTA number 100 na si Parks.

Ang 25-anyos na si Parks ay nakakuha ng career-high ranking ng World number 40 noong Agosto 2023 ng magwagi ito sa 2023 Lyon Open.

Mayroon record din ito na pinakamabilis na mag-serve kung saan katapat niya si Venus Williams na mayroong bilis na 129 miles per hour.

Ang Australian Open ay siyang unang Grand Slam tournanament na lalahukan ni Eala.

Magsisimula ang Australian Open mula Enero 18 hanggang Pebrero 1.