-- Advertisements --

Nagdesisyon ang Metro Manila mayors na irekominda sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pananatili ng alert level 2 sa bung national capital region (NCR).

Kasunod ito ng naging pulong nila, bunsod ng pagtatapos na ng kasalukuyang alert status sa Pebrero 15 at pagsisimula naman ng bagong status sa Pebrero 16, 2022.

Sa ilalim ng quarantine classification na ito, may maximum 70% indoor venue capacity at mas mataas na porsyento naman sa outdoor venue capacity sa mga pinahihintulutang activities at business establishment.

Para naman kay Trade Sec. Ramon Lopez, halos sapat naman sa ngayon ang alert level 2, dahil may restrictions pa rin kahit bumababa na ang kaso ng hawaan.

Ayon kay Lopez, bagama’t 70 percent lang ang indoor capacity, nabibigyan pa naman ng dagdag na 10 percent ang may safety seal markings hanggang 80% kung bakunado ang mga tauhan ng isang gusali.