PNP Chief Gen. Oscar Albayalde
PNP Chief Gen. Oscar Albayalde

Hinimok ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde si Daraga, Albay Mayor Carlwin Baldo na sumuko na lamang sa otoridad matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

Ayon kay Albayalde, mas makabubuti na sumuko na lamang ang alkalde dahil may pagkakataon naman siyang idepensa ang sarili sa korte.

Una rito, naglabas ng warrant of arrest sa kasong double murder at six counts of frustrated murder ang Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 laban kay Baldo at natanggap na ito ng Albay Police Provincial Office.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe at police escort nitong si P/MSgt. Orlando Diaz.

Samantala, ayon naman kay PB/Gen. Arnel Escobal, police regional director ng Bicol, nakatanggap umano siya ng impormasyon hinggil sa planong pagsuko ni Baldo sa otoridad.