Aiko Melendez
AIKO / IG POST

Pinabulaanan ni Aiko Melendez ang balitang hiwalay na sila ng nobyong si Subic Vice-Governor Jay Khonghun.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan kasama ang nobyo habang sila ay nasa Las Vegas.

May nakasaad sa ilang bahagi ng caption nito na “Stronger together”.

Hindi naman ikinaila nito na nag-aaway sila dahi sa selos subalit agad din naman itong naaayos.