-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang mas agresibong hakbang ng pamahalaan sa pagbabakuna sa highly populated areas.

Ginawa ni Concepcion ang pahayag sa pagharap niya sa mga opisyal ng Chamber of Thrift Banks ngayong araw.

Ayon sa opisyal, ang COVID response sa Metro Manila plus eight (8) o kasama ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cebu at Davao, ay kaakibat ang economic consideration.

Nakasentro kasi sa mga lugar na ito ang paglago o paghina ng gross domestic products (GDP) na may malaking impact sa ating ekonomiya.

Samantala, pinangunahan din ni Concepcion ang pagpapanumpa sa mga opisyal ng Chamber of Thrift Banks.

Kabilang sa mga opisyal ng chamber ang chairman ng Bombo Radyo Philippines at Queen City Development Bank na si Dr. Rogelio M. Florete at Bombo Radyo Philippines at QCDB president Ms. Margaret Ruth Florete.

Kabahagi rin ang iba pang mga kinatawan ng mga bangko mula sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Pero dahil sa umiiral na pandemya, ginawa muna ang panunumpa ng bagong set of officers sa pamamagitan ng virtual event.