-- Advertisements --

CEBU CITY – Umaasa ang legal counsel ng walong naaresto matapos nagprotesta sa University of the Philippines (UP) Cebu Campus na temporaryong makalaya sa pinakamadaling panahon.

Ito’y matapos na isinailalim sa inquest proceedings ang mga ito sa City Prosecutor’s Office para haharapin ang isinampa’ng kaso ng PNP laban sa kanila.

Ayon kay Atty. King Anthony Perez, ang tagapagsalita ng legal counsel sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi nitong hinihintay nila ang kopya ng complaint ng naturang kaso.

Sinisikap naman ngayon ng mga nahuli na makapagpiyansa sa piskalya ngunit sinusunod parin nila ang proseso alinsunod na rin sa ipinatupad na health protocols.

Aniya ginagawan nila umano itong ng paraan lalo nat sarado ang mga government banks tuwing
weekend.

Napag-alaman na marami ang nag-ambagan para may pang piyansa ang pitong protesters at ang isang bystander na nagpahayag lang ng kanyang pagkadismaya sa agarang pagpasa ng Anti Terrorism Bill.

Si Former Senatorial Candidate Neri Colmenares naman ang magrerepresenta sa nasabing mga protesters.

Trending naman ngayon sa social media ang #FreeCebu 8 at #ReleaseCebu7.