-- Advertisements --
Cagayan Lindol

Umaabot na sa 131 ang naitalang aftershocks sa extreme Northern Luzon, mula sa 6.3 magnitude na lindol kamakailan.

Ayon sa Phivolcs, natukoy ang mahihinang pagyanig sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Sa mahigit 100 lindol, 26 sa mga ito ang na-detect ng higit sa dalawang monitoring device ng Phivolcs.

Ang mga ito ay may lakas na 1.5 hanggang 3.7 magnitude.

At ang lalim ay mula pito hanggang 29 na kilometro, kaya hindi na gaanong nararamdaman sa land surface.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig o resulta ng paggalaw ng tectonic plates sa nasabing bahagi ng ating bansa.