-- Advertisements --

Umaabot na sa 1,315 aftershocks ang nai-record ng Phivolcs sa lalawigan ng Abra, matapos ang 7.0 magnitude na lindol noong nakaraang araw.

Sa nasabing bilang, 369 ang plotted at 33 naman ang naramdaman mismo ng mga residente.

Ang naturang tremors ay may lakas na 1.4 hanggang 5.0 magnitude.

Pagtaya ng mga eksperto, maaari pa itong umabot sa mga susunod na linggo, kaya pinaiiwas pa rin ang mga mamamayan sa mga lugar na markado bilang hig risk dahil sa mga natamong bitak.