Kinumpirma ni Roger Federer nitong Sabado na lalahok ito sa Italian Open na gaganapin na ngayong linggo.

Nitong Biyernes nang talunin ito ng fifth-seeded na si Dominic Thiem sa semifinals ng Mutua Madrid Open, 3-6, 7-6 (11), 6-4.

Paliwanag ni Federer, ito raw ay bilang paghahanda sa kanya namang pagsabak sa darating na French Open.

“Hello everybody. Just finished speaking to the team and happy to say I’m coming back to Rome to play in Italy,” wika ni Federer sa isang Instagram video.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro sa clay si Federer buhat noong Mayo 2016 sa Rome kung saan nagapi rin ito ni Thiem sa final match ng torneyo.

Maaalalang apat na beses nakausad sa finals ng Italian Open ang Swiss superstar, ngunit kailanman ay hindi ito nakatikim ng panalo.

Magiging third seeded si Federer sa Italian Open na mag-uumpisa na sa Miyerkules. (Reuters)