-- Advertisements --

Naging emosyonal si tennis star Rafael Nadal sa ginawang pagkilala sa kaniya sa pagsisimula ng French Open.

Ang Spanish tennis star kasi ay nagwagi ng 14 French Open Titles sa kaniyang buong career.

Hindi maitago ng 38-anyos na si Nadal ang kaniyang luha matapos na makita ang mga fans.

Ilan sa mga dumalo sa nasabing seremonya ay ang knaiyang mga matinding karibal sa tennis gaya nina Roger Federer, Novak Djokovic at Andy Murray.

Nagkayakapan ang apat kung saan pinasalamatan ni Nadal ang nabanggit na mga tennis legend dahil sa ipinakita nilang mga pagkakaibigan.

Ginawaran si Nadal ng isang plaque kung saan makikita doon ang kaniyang footprints na ito ay magiging permanente na sa playing court.