-- Advertisements --
Nagkampeon sa Italian Open si Jasmine Paolini sa women’s single event.
Ito ay matapos na talunin niya si Coco Gauff sa score na 6-4, 6-2.
Umabot ang laro ng dalawa sa isang oras at 29 minuto.
Siya ang kauna-unahan sa loob ng 40 taon Italian na nagkampeon sa nasabing torneo kasunod ni Raffaella Reggi noong 1985.
Ito na ang pangatlong WTA singles at unan sa clay award ng Italian tennis player.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na ito ay magwawagi sa nasabing torneo.