-- Advertisements --
Umangat pa lalo ang world ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) ni Pinay tennis star Alex Eala.
Sa pinakabagong listahan na inilabas ng WTA ay nasa pang-69 na ang puwesto ngayon ni Eala.
Ang pag-angat sa ranking ni Eala ay kahit na ito ay maagang nabigo sa unang round pa lamang ng Italian Open noong nakaraang linggo.
Nananatiling nasa unang puwesto si Aryna Sabalenka habang ang nakasama ni Eala sa doubles ng Italian Open na si Coco Gauff ay nasa pangalawang puwesto.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nasa pang -ranked 72 ang Pinay tennis star na ito ngayon ang pinakamataas na ranking na kaniyang nakuha sa tennis career niya.