-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Italian Open si Pinay tennis star Alex Eala at Coco Gauff ng US.

Ito ay matapos na talunin nila ang pambato ng Italy na sina Tyra Caterina Grant at Lisa Pigato sa score na 6-2, 6-3 sa 2025 Italian Open women’s doubles.

Dominado ng 19-anyos na Pinay at 21-anyos na si Gauff ang laro.

Susunod na makakaharap ng dalawa ang defending champion na sina Sara Errani at Jasmine Paolini.