-- Advertisements --

Makakasama ni Filipina tennis star Alex Eala sa doubles ng Italian Open si world number 3 Coco Gauff.

Makakaharap ng dalawa sina Russian tennis player Alexandra Panova at Fanny Stollár ng Hungary sa round of 32 ng torneo.

Itinuturing ni Eala na isang kakaibang experience ang nasabing pagkakasama niya sa isang court kay Gauff.

Noong junior level pa si Eala ay nagwagi na ito ng doubles sa 2020 Australian Open at 2021 French Open.

Habang ang 21-anyos na si Gauff ay naging world number 1 sa doubles at nagwagi ng 2024 French Open kasama si Katerina Siniakova ng Czech Republic.