-- Advertisements --

Hangad na lamang ng pamilya Revilla na makauwi na ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr., mula sa halos dalawang linggong pagkakaospital.

Nabatid na nitong June 11 ay tinanggal na ang nakakabit na ventilator sa “Nardong Putik” star at nakakahinga na ito “on his own.”

Ayon kay Sen. “Bong” Revilla Jr., madaldal na muli ang kanyang ama kung saan nagkikuwento na ito kahit mabilis mapagod.

Nakakapagbiro na rin aniya ang 93-year-old former actor/senator sa kabila nang walang maayos na tulog sa loob ng anim na araw.

Kaugnay nito ay walang tigil sa pasasalamat ang nakababatang Revilla kasabay ng apela na patuloy pa ring ipinalangin ang ama.

-- Advertisement --

“Daddy was able to make it again,” wika ng 53-year-old senator.

Kung maaalala, May 31 nang isugod sa ospital si Revilla Sr., matapos mahirapan sa paghinga pero hindi pa isinasapubliko kung may iba pang dahilan.