Magkakaroon ng free viewing ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa kani-kanilang mga kampo para sa Pacquiao-Thurman fight.
Ayon kay AFP PAO chief Col. Noel Detoyato, layon ng live screening para mabigyan ng pagkakataon ang mga sundalo at ang kanilang mga dependents na mapanuod ng libre ang laban bilang suporta kay eight division champion, boxing hero at Army reservist at senator Manny Pacquiao laban kay undefeated Keith Thurman.
Si Pacquiao ay may ranggong colonel bilang Army reservist.
Dalawa ang venue ng free screening para sa Pacquiao-Thurman fight sa Kampo Aguinaldo, isa sa Security Escort Group Mess Hall at AFP Commissioned Officerts Club.
Magkakaroon din ng pagkakataon makapanuod ang mga recovering military personnel sa AFP Medical Center.
Sa Philippine Air Force naman, sa gymnasium ng Villamore Air Base gagawin ang live viewing.
Sa kampo Crame, libre makapanuod ang mga pulis at maging ang kanilang mga dependents sa PNP Multi Purpose Center.