-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang inilunsad ng military airstrike ng 403rd Brigade, Philippine Army sa bahagi ng Impasug-on at bulubunduking sakop ng Valencia City,Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Col. Ferdinand Barandon, commanding officer ng 403rd Brigade ng 4ID Phil Army, kinumpirma nitong may inilunsd silang military offensives laban sa hindi bababa sa 60 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army.

Aniya gumamit sila ng kanyon upang mapuksa ang patuloy na pananakot at pananambang ng mga rebelde sa mga inosenteng sibilyan at mga pulis sa nasabing probinsya.

Sa live interview ng isang nagpakilalang Ka Dereka, spokesperson ng NPA Bukidnon na sila ang responsable sa pag-ambush ng convoy ni Easter Mindanao Police Director Brig Gen Joselito Solido ng Davao Region kung saan apat na pulis at sugatan at isa ang napatay.

Sinabi ni Ka Dereka na may apat na sundalo ang napatay sa engkwentro noong Pebrero 8 at itinago ng AFP ang mga bangkay ng kanilangn miyembro sa bahagi ng Cabanglasan Bukidnon.

Tinawanan lamang ni Col. Barandon ang proganda report ng NPA at sinabing intact ang bilang ng kanilang tropa.

Nilinaw rin ni Barando na hindi nagcrash landing ang kanilang ginamit na chopper sa nagpapatuloy na airstrike.

Malayo rin sa kabihasnan ang nagaganap na engkwentro.