-- Advertisements --

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may nakapasok sa bansa na Egyptian couple na umano’y suicide bombers at kasalukuyang nasa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo na wala silang impormasyon ukol sa presensiya ng Egyptian couple na ugnayan sa teroristang Abu Sayyaf partikular sa paggawa ng IED.

” We have no information on the alleged Egyptian couple in cahoots with local terrorist Abu Sayyaf Group in IED explosions in Sulu,” wika ni BGen. Arevalo.

Samantala, aminado naman ni Wesmincom Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana na may namomonitor silang presensiya ng ilang mga foreign terrorists sa Sulu, pero walang Egyptian couple.

Sinabi ni Sobejana kabilang sa kanilang namonitor ay Indonesian at Moroccan terrorist na nagpasabog sa Lamitan,Basilan.

Bina-validate na rin ng militar kung ilan talaga ang bilang ng mga foreign terrorists ang nasa Mindanao ngayon.

” Wala akong nahagilap na ganyan, we are doing our best to find out with our intelligence operatives at our network, hindi pa validated yung information na yan,” pahayag ni Sobejana.

Batay sa report nagtungo sa sulu ang banyagang mag-asawa na Egyptian para hikayatin umano ang mga Pinoy na terorista na magsagawa pa ng mga suicide bombings.