-- Advertisements --

Nagsimula na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng rehabilitasyon sa M. Roxas Junior Flyover sa Maynila.

Tinatayang aabutin ng pitong araw ang bawat segment ng pagkukumpuni sa northbound lane ng flyover na mag-uumpisa sa Mayo 9, 2025, alas-10 ng gabi, kung saan pupunan ang mga expansion joints sa hilagang bahagi ng flyover.

Screengrab from @DPWH / Fb account

Upang masiguro ang kaligtasan at ang mabilis na pag-usad ng trabaho, magkakaroon ng partial lane closures sa bawat segment, na magtatagal sa dalawang magkasunod na expansion joints bawat kalahating lane.

‘To ensure safety and progress, partial lane closures will be implemented in segments, with each segment covering two consecutive expansion joints per half-lane,’ ayon sa DPWH NCR advisory.

Pinaalalahanan din ng DPWH ang mga motorista tungkol sa posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko at inirekomenda nila ang paggamit ng mga service roads o paghahanap ng alternatibong ruta upang makaiwas sa abala.

Screengrab from @DPWH / Fb account