-- Advertisements --

Nanawagan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  sa mga kababayan natin na maging mapagmatyag hinggil sa paglaganap ng disinformation and misinformation, lalo at nalalapit na ang bilangan ng mga boto.

Hiling din ng Presidential Communications Office (PCP) sa taumbayan na kumuha ng mga impormasyon sa mga trusted and credible news  sources para sa isang accurate election news.

Binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay C. Ruiz ang kahalagahan sa pag access ng accurate, fair, and ethical reporting.

Sinabi ni Ruiz dapat walang magpakalat ng fake news lalong-lalong na napaka-critical ng boto. Napaka-critical ng halalan, dahil ito ang foundation ng demokrasya tulad ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Secretary Ruiz ang kahalagahan ng papel ng mga botanate sa pag safeguard ng integridad ng halalan.

Naniniwala ang kalihim na sa pagkakaisa at tamang pagpili ng mga lider na may puso para sa public service  posibleng mabago ang Pilipinas.