-- Advertisements --

Kasalukuyang nasa 99.93% ang nananatiling bukas at tumatanggap ng mga botante kaninang ala-5:00 ng hapon sa higit 37,000 na mga voting centers sa buong bansa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP)-Public Information Office Chief Col. Randul Tuano, sa datos na ibinigay ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) ng PNP, sa nakalipas na siyam na oras, higit sa 0.02% pa ang hinihintay na mga voting precints.

Ang mga voting centers na ito ay mula sa bahagi ng Datu Odin Sinsuat kung saan nagkaroon ng mga delayed sa bahaging ito bunsod ng ilang mga insidente ng electrical problems at pagkadelay ng paghahatid ng mga election paraphernalia.

Ayon sa Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region, 21 voting centers ang sumasaklaw sa 0.02 % at pasado alas-10:00 ng umaga nakalabas ang mga kagamitan na gagamitin ng mga botante sa pagboto. Sa pagitan naman ng mga oras ng alas-2:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon nagumpisa ang botohan sa mga naturang voting centers

Samantala, wala pa namang opisyal na anunsyo ang PNP kung magkakaroon ba ng extended voting hours sa mga presinto na naapektuhan at nakaranas ng mga delays ngunit pagtitiyak ng PNP, tatanggap ang mga voting centers ng mga botante hanggang alas-7:00 ng gabi.