Naging maayos at mapayapa ang halalan sa Western Mindanao kabilang ang BARMM, BASULTA, SOCCSKSARGEN at Zamboanga Peninsula.
Ito ang inihayag ni Western Mindanao Area Police Command Commander at Special Task Force BARMM, PLtGen. Bernard Banac.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PLtGen. Banac kaniyang inihayag na walang naitalang mga untoward incidents sa kaniyang areas of responsibility kung saan matiwasay na naka boto ang mga residente.
Gayunpaman sinabi ni Banac na may mga insidenteng naitala subalit maikukunsidera itong isolated incidents.
Gaya ng pamamaril sa Basilan kung saan dalawa ang nasawi, Lanao del sur dalawa din nasawi at Cotabato City kung saan isang pulis ang nasugatan dahil sa indiscriminate firing.
Nagkaroon din ng mga minor incidents gaya ng komosyon, suntukan at batuhan ng bato.
Gayunpaman sinabi ni Banac sa kabuuan generally peaceful ang halalan sa Western Mindanao.
Ito ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP sa lugar upang matiyak na maging maayos, mapayapa at credible ang 2025 midterm elections sa Western Mindanao.
Pinasalamatan din ng Heneral ang ibat ibang stakeholders na nakiisa sa security sector.
Binigyang-diin ni Banac nananatiling nasa full alert ang PNP at full force sa pag secure sa mga polling precints upang maiwasan ang anumang posibleng karahasan.