Pinaalalahanan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga Pilipino na ang araw ng halalan ay isang sagradong pagdiriwang ng demokrasya, kung saan ang bawat Pilipino ay mayroong kapangyarihan na tukuyin ang magiging direksyon at kinabukasan ng ating bayan.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagboto ay hindi lamang isang simpleng proseso, kundi isang makabuluhang pagpapahayag ng konsensya at paninindigan para sa ikauunlad ng ating bayan.
“Your ballot is a declaration of conscience, a quiet but resolute affirmation of your role in building our nation,” pahayag pa ng pinuno ng Kamara.
Nanawagan si Speaker Romualdez para sa mahinahon at mapayapang halalan, at hinikayat ang mga Pilipino na pahalagahan ang araw ng halalan para sa kinabukasan ng bansa.
Ipinaalala rin niya na bawat boto ay may malaking halaga sa pagpapanatili at pagpapalakas ng demokrasya sa ating bansa.
Hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga botante na respetuhin at ingatan ang halalan, at alalahanin ang mga taong nagsikap at nagsakripisyo para mapanatili ang kalayaang ito.
Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtutulungan at aktibong paglahok ng bawat isa para mapanatili ang lakas ng demokrasya sa bansa.