Exacto alas 3:30 ngayong hapon ng mag convene ang comelec en banc na siyang nagsisilbing mga national board of canvassers.
Kasalukuyang naka sesyon na ang en banc na siyang mag oversee para sa canvassing ng mga boto sa pagka senador at partylist sa 2025 midterm election.
Sa pag convene ng comelec en banc, ibinahagi ni Comelec chairman George Erwin Garcia ang kanilang naging hirap at hamon sa paghahanda ng poll body sa 2025 midterm elections.
Sa kaniyang talumpati pinasalamatan nitoa ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan partikular ang security sector na siyang naging kanilang katuwang sa pag deliver ng mga election parapehrnalias lalo na duon sa mga geographically isolated areas.
Umapela si Garcia sa kaniyang mga kasamahan na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang trabaho hanggat matapos ang electoral process.
Inihayag ni garcia na posibleng mamayang ala9 o alas 10 ng gabi mai proclaim na ang mga nanalong local officials subalit ang mga national candidates sa loob ng lima hanggang anim na araw.
Kasalukuyang ipinakita ang pag install at pagbubukas sa consolidation and camvassing systems na gagamitin para sa canvassing mamaya.