-- Advertisements --

Ipinababasura ngayon ni Vice President Sara Duterte sa Department of Justice ang reklamong inihain sa kanya ng National Bureau of Investigation.

Ito ay may kinalaman parin sa naging pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Partikular na inihain ng NBI ang reklamong Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang kahilingan ito ay nakapaloob sa inihaing counter-affidavit ng bise sa pagharap nito sa preliminary investigation ng DOJ sa kanyang reklamo kahapon.

Nakasaad sa naturang salaysay na dapat lamang na hindi na ipagpatuloy pa ang pagdinig ng kaso at ibasura na lamang ito.

Kaugnay nito ay umaasa ang kampo ng bise na mabibigyan ng due process ang reklamong inihain laban sa kanya.