Wala pang nakakarating na impormasyon sa militar kaugnay sa balita na pinugutan ng bandidong Abu Sayyaf (ASG) ang isa nilang bihag.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na kanila pang bina validate ang nasabing ulat kung saan ang bihag nilang si Noel Besconde ay pinugutan ng ulo ng kaniyang mga kidnappers.

Batay sa mga balita na ang grupo umano ni ASG sub-leader Almujer Yadah ang siyang pumugot sa ulo ng kidnap victims.

Magugunita na si Besconde ang siyang kapitan ng FB Ramona 2 na dinukot noong nakaraang taon sa may bahagi ng Celebes Sea.

Hindi umano kaya ng mga kaanak ni Besconde na magbayad ng ransom na siyang hinihingi ng mga kidnappers kapalit sa kalayaan ng bihag.