-- Advertisements --

afp1

Nakaa-alerto ngayon ang lahat ng AFP units partikular sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly lalo na at nagsisimula na ang Humanitarian Assistance Disaster Response Operation sa mga apektadong lugar.


Ayon kay AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nagsimula na rin ang AFP sa kanilang damage assessment operation sa mga hard hit areas kabilang ang Catanduanes, Legazpi,Camarines provinces at Northern Samar.

Isang C-130 at dalawang C295 aircraft ang inilaan para sa pag transport ng mga personnel,equipment at iba pangmga supplies.

Limang helicopters naman ang nagsasagawa ng aerial reconnaissance patrol, ginagamit sa evacuation at pag transport ng mga relief goods.

May mga sundalo na rin ang nagsasagawang search, retrieval and rescue operations.

Pinatitiyak din ni Gapay sa mga unit commanders na paigtingin ang seguridad para maiwasan ang anumang atrosidad na ilulunsad ng mga kalaban lalo na ang Communist terrorists Group ang NPA.