-- Advertisements --

Nag-iikot sa iba’t ibang kampo ng pulis ang mga tauhan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) Training and Doctrine Command.

Ayon kay Arevalo na siya ring commander ng Training And Doctrine Command, higit na kailangan ngayon ang mas malapitang koordinasyon ng militar at pulis bilang magkatuwang sa pagpapatupad ng seguridad sa vaccination program ng pamahalaan.

Ibinabahagi aniya nila sa mga pulis ang kanilang kaalaman ukol sa tinatawag na interoperability upang maging mas malakas ang kooperasyon sa mga sundalo.

Tiwala si Arevalo sa sa pamamagitan ng mas malawak na pagpapalitan ng impormasyon ay magiging mas epektibo ang mga sundalo at pulis sa kanilang iisang layunin.

Bukod dito, sinabi ni Arevalo na ang pagpapalakas ng ugnayan ng militar at pulis ay makakatulong din para maiwasan ang mga mis-encounter sa pagitan ng mga sundalo at pulis.