-- Advertisements --
Nilinaw ng Pilipinas na hindi ito magpapadala ng barko ng Navy sa Panatag (Scarborough) Shoal sa kabila ng mga panggigipit ng China, dahil maaaring ituring itong hakbang na “warlike.”
Ayon kay National Maritime Council (NMC) spokesperson Undersecretary Alexander Lopez, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat manggaling sa Pilipinas ang anumang provocation.
Ipinaliwanag din niya na bagama’t nakapagpadala na ang China ng barkong pandigma ng People’s Liberation Army sa lugar, nananatili ang desisyon ng Pilipinas na huwag magpadala ng Navy vessel.( report by Bombo Jai)