Patuloy ang pagbibigay seguridad at pagbabantay ng mga tauhan ng 11th Division Reconnaissance Company at 4th Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army sa Munai, Lanao del Norte.
Ito’y matapos ang labanan sa pagitan ng militar at Dawlah Islamiyah-Maute group noong Biyernes, August 21, 2021.
Ayon kay Cpt. Mary Jephte MaÑebog, chief, Public Information Office ng 1st Infantry “Tabak” Division, na maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente na lumikas dahil sa nangyaring labanan.
Ayon kay Manebog, tumagal ng tatlong oras ang nangyaring engkwentro noong Biyernes, kung saan humigit kumulang 30 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute group ang nakasagupa ng 51st Infantry Battalion.
Walang naiulat na casaualties sa hanay ng militar.
Tumakas naman ang mga terorista matapos ang isinagawang closed-air support operations ng Philippine Air Force (PAF).
Pagtitiyak ng Philippine Army, hindi sila hihinto sa pagtugis sa teroristang grupo.
Hinihikayat naman ni Maj. Gen. Gene M. Ponio,1st Infantry Division Commander at Wesmincom officer-in-charge na sumuko na lamang ang mga terorista.
Nakumpiska ng militar sa encounter site ang nasa pitong IED (Main Charge), limang backpacks, at 15-metro ng commercial wire.
Ayon kay 51st IB commanding officer Lt. Col. Fernando Payapa, determinado silang tapusin ang presensiya ng mga terorista sa kanilang area of operations.