-- Advertisements --

Pag-aaralan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buwanang pension ng retired officers sa gitna ng mga ulat na ilang retirees ang nanawagan sa militar na bawiiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Oktubre 18, tinanong si AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla kung posibleng mawalan ng kanilang buwanang pensiyon ang mga retiradong opisyal na nasa likod ng naturang panawagan. Tugon ng ni Padilla, “If the legal channel determines that this is so, then we will follow.”

Saad pa ng AFP official na ang na ang mga pahayag na nag-uudyok ng sedisyon at pagpapakalat ng fake news ay may kaakibat na legal consequences. “The AFP is not ‘gonna take this sitting down,” saad pa ni Col. Padilla.

Paliwanag pa ni Col. Padilla,“Civillian nga po category nila, but ito nga po sabi natin since nagre-receive sila ng pension pagaaralan natin how this will fall into play.”

Samantala, sinabi naman ni Philippine Navy Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang pinakamataas na ranggo ng retiradong military officer na kanilang namonitor na nagpapakalat ng fake news ay two-star general na tumatanggap ng buwanang pensiyon na P160,000.

Aniya, kasama sa pinag-aaralan ng legal officers ng AFP ang pananagutan kapag tumatanggap ng pensiyon mula sa gobyerno.

Matatandaan, nauna nang inamin mismo ni AFP chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr. na ilang retiradong military officer ang nanawagan para sa pagbawi ng suporta sa Pangulo sa gitna ng mga nabunyag na anomaliya sa flood control projects, subalit tinutulan ito ng AFP chief kayat hindi ito naisakatuparan.