Nagpaalala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na huwag magbahagi o makisangkot sa mga online content na nanghihikayat ng rebelyon at armadong pakikibaka, dahil ito ay may katumbas na parusa sa ilalim ng batas.
Ayon sa AFP, ang pag-udyok sa armadong aksyon ay sumisira sa kapayapaan at naglalagay sa panganib sa mga komunidad.
Sinabi rin ng militar na ang mga post na nagtataguyod ng karahasan o nananawagan ng pagpapabagsak ng pamahalaan ay haharap sa angkop na aksyon, katuwang ang mga law enforcement agencies.
Binigyang-diin din ng AFP na ang mga hakbang na ito ay isasagawa habang iginagalang ang rule of law at kalayaan sa pamamahayag, alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng batas.
Inisyu ng AFP ang babala matapos ang engkuwentro ng tropa ng gobyerno at mga rebeldeng komunista noong Bagong Taon sa Occidental Mindoro.
















