Naka-alerto ngayon ang militar laban sa posibleng retaliatory attack ng mga local terrorist group, kasunod ng pagkakapatay ng US sa top Iranian General na si Qassem Soleimani.

Ayon kay AFP chief of staff Lt Gen. Felimon Santos mahigpit nilang minomonitor ang mga affiliated groups lalo na ang mga ISIS inspired groups na posibleng maglunsad ng pag atake.

-- Advertisement --

Dahil sa pagkakapatay kay Soleimani nanggagalaiti sa galit ngayon ang Iran sa US kaya lalo pang umiinit ang tensiyon.

Mino-monitor din ng AFP kung sino pang mga bansa ang posibleng maging target ng Iran bilang kanilang paghihiganti.

Kinumpirma ni Santos na nakalatag na rin ang kanilang contingency measures lalo na ang gagawing evacuation sa mga Filipino OFWs sa Middle East.

Tiniyak ng AFP ang kaligtasan ng mga Amerikano sa bansa.

Ayon kay Santos, kasama sa “concern” ng AFP na walang mangyaring masama sa mga US citizens na nasa Pilipinas.