-- Advertisements --
GENERAL EDGAR AREVALO
Gen. Edgar Arevalo/ FB post

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga sundalo ang nagbabalak pabagsakin ang si Pang. Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ng AFP ay kasunod sa naging apela ng Pangulo na huwag siyang patalsikin bagkus ay makipag usap sa kanya para malaman nito ang mga concern ng militar.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na kuntento ang militar sa pamamalakad ng pangulo.

Bukod aniya sa taas sweldo na hindi naman inasahan ng mga sundalo, maganda ang tinatahak ng kanilang modernization program.

Aniya, suportado ng Pangulo ang lahat ng mga pangangailangan ng militar lalo na sa mga kagamitan.

Kaya wala silang nakikitang dahilan para magkaroon ng banta ng destabilisasyon.

Giit ni Arevalo kung meron man aniya ang nagbabalak na mag kudeta, siniguro ng militar na hindi ito magtatagumpay.